NEWS UPDATES

Presyo ng bigas sa Kabacan, nananatili pa rin sa dati nitong halaga

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Bagama’t may bahagyang pagtaas sa presyo ng bigas sa loob ng pamilihang bayan ng Kabacan, nananatili pa rin sa dati nitong halaga ang bentahan ng kada kilo ng bigas sa bayan.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News Price alert, naglalaro ngayon ang kada kilo ng bigas mula P30.00 hanggang P36.00 ang bawat kilo.


Ang RC 18 ay nagkakahalaga ngayon sa P33.00 kada kilo, V-64 P34 per kilo; Tonner P35; Masipag P35; Matatag P32; V-55 P32 at M3 P33 at MI Spotted P30.00.

Ang nasabing halaga ng bigas ay base sa presyuhang ipinapatupad sa loob ng Kabacan Public Market.

Nabatid na ang bayan ng Kabacan ay tinaguriang palabigasan ng probinsiya ng North Cotabato kungsaan ang palay ang isa sa mga itinuturing pangunahing produkto nito. (Rhoderick Beñez with reports from Jijarah Didatar)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento