NEWS UPDATES

Mga mamamahayag sa South Central Mindanao, sumailalim sa 2-araw na NUJP election reporting training


(Kidapawan City/ April 16, 2013) ---Para sa mas magandang coverage ng May 2013 midterm election, isinailalim ang mga mamamahayag sa South Central Mindanao sa dalawang araw na election reporting training na inorganisa ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP.

Sinabi ni NUJP Pres. Kidapawan Chapter Malu Cadelina Manar na dapat ay nakapokus ang mga journalists sa mga issues, campaign profiles at campaign tactics ng mga pulitiko.

Ayon naman kay NUJP Pres Rowena Carranza-Paraan na dapat ang mga mamamahayag na mag-cover ng midterm polls ay dapat bigyan ng mas malalim na pag-intindi sa mga isyung may kinalaman sa eleksiyon.


Isinagawa ang dalawang araw na training kungsaan 36 na mga journalist buhat sa South at Central Mindanao ang sumailalim sa nasabing training sa Kidapawan City na nagtapos nitong linggo.

Sinabi ni Manar na maliban sa mga isyung kinasasangkutan ng mga pulitiko dapat ding tutukan ng mga mamamahayag kung magkakano at saan nanggagaling ang mga pondong ginugugol ng mga pulitiko sa kanilang kandidatura.

Aniya, mahigpit kasing ipinagbabawal sa batas ang pagtanggap ngmga kandidatu ng mga pondo na di nila nirereport sa comelec.

Kaugnay nito, iba’t-ibang mga problemang kinakaharap ng mga media at mga dilemma sa trabaho ang tinalakay din sa nasabing traning. (Rhoderick BeƱez/DXVL News)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento