NEWS UPDATES

Mababang Presyo ng Rubber Cup Lum sa Merkado; inalmahan ng mga rubber farmer at tapper sa North Cotabato


(Kidapawan city/ April 25, 2013) ---Dismayado ngayon ang mga rubber farmer at tapper sa North Cotabato dahil sa mababang presyo ng rubber cup lump sa merkado.

Ayon sa report naglalaro lang kasi ang presyo nito sa P35-P36 kada kilo na para sa mga magsasaka ay mababa at hindi makatarungang presyo.

Hindi tuloy maiwasan ng ilan sa kanilang hanay na akusahan ang mga rubber buying stations na nagkukuntsabahan sa presyo ng rubber.

Ayon pa sa rubber tappers, bilang pangunahing produkto ng North Cotabato, dapat ay maging maayos ang presyuhan nito sa merkado.

Una ng ipinahayag ng ilang mga buying stations at rubber processor sa Makilala at Kidapawan City na maraming dapat ikonsidera sa presyuhan ng rubber cup lumps.

Ilan daw rito ay ang  kalidad ng ibinebentang cump lump ganundin ang volume ng available supply sa merkado. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento