NEWS UPDATES

Binuong Fact Finding ng CHED, nagsasagawa na ng data gathering


(Kabacan, North Cotabato/ April 25, 2013) ---Nagsasagawa na ngayon ng data gathering ang binuong fact finding ng Commission on Higher Education o CHED hinggil sa nangyaring gusot sa University of Southern Mindanao o USM.

Ito ang ibinunyag ni Kabacan Ambassadress for Peace at dating alkalde Luzviminda Jumuad Tan sa panayam ng DXVL News kahapon.

Aniya nasa Davao City na ang binuong Fact finding na siyang sisiyasat sa nangyaring gusot sa Unibersidad.

Kaugnay nito, inatasan na rin ang grupo ng mga raliyesta na isulat at ipa-notarized ang kanilang mga demand charges at mga hinaing hinggil sa umano’y mga anomalyang kinasasangkutan ni re-appointed Pres ng USM na si Dr. Jesus Antonio Derije.

Matapos nito, inihayag ni Tan na ipapadala yung kanilang mga sulat sa Davao city kungsaan nandoon ngayon ang fact finding committee na nagsasagawa ng data gathering.

Bagama’t di pa mabatid ng Unang Ginang kung kailan darating ang FFC team sa USM, tiniyak naman nitong pupunta ang grupo matapos ang isinasagawang data gathering ito para sa gagawing validation ng dokumento. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento