NEWS UPDATES

Daan-daang kabataan mula sa North Cotabato makikiisa sa massive tree planting sa Compostela Valley


(North Cotabato/ April 24, 2013) ---Tinatayang abot sa 500 na mga kabataang kasapi ng Tulong Kabataan Volunteers North Cotabato Chapter ang tutulak patungong Compostela Valley para sa isang massive tree planting sa April 28.

Ayon TKV-North Cotabato, makikiisa ang mga miyembro sa iba  pang kabataan sa Mindanao na sabay-sabay na pupunta sa Barangay Nga-an sa Compostela para pagtatanim ng daan-daang endemic trees doon.


Matapos naman ang tree planting sa lugar ay tutunguhin naman ng grupo ang Davao Oriental para sa kahalintulad na tree planting.

Sinabi ng TKV-North Cotabato na malaki ang magagawa ng sama-samang pagtatanim ng mga punong-kahoy para maka-recover ang Compostela at ang Davao Oriental mula sa malaking kasiraang idinulot ng bagyong Pablo noong Dec. 2012.

Bahagi rin daw ng selebrasyon ng Earth Day sa April 28 ang naturang tree planting activity. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento