NEWS UPDATES

17 medalya, nakuha ng rehiyon 12 sa ikalawang araw ng palaro 2013


(Dumaguete City/April 25, 2013) ---Abot na sa 17 ang kabuuang medalya ang nakuha ng Rehiyon 12 bago pa man nagtapos ang ikalawang araw ng laro kahapon sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2013 sa Dumaguete city.

Ayon sa pinakahuling report ng Regional Documentor’s team anim na mga gintong medalya na ang nasungkit ng Rehiyon bukod pa sa limang silver at anim na mga bronze.


Nagmula sa dalawang gintong medalya ng mens artistics gymnastics noong nakaraang araw nadagdagan ng apat pa, ito dahil sa napanalunang archery at swimming event.

Kinilala ang mga bagong gold medalists na sina Philip Dacera at Fritz Anos kapwa nagmumula sa General Santos city ito sa larangan ng swimming; at si devie solitario ng archery.

Habang sa anim na mga bronze medalists kabilang na dito si Kathy Rose Vilvar buhat sa lungsod ng Koronadal para sa 30 meters archery at Kenneth Corpus kapwa mula sa South cotabato sa 400meters low hurdles.

Inaasahan pa na madagdagan pa ang mga medalya na makukuha ng Rehiyon sa pagsimula ng ikatlong araw ng palaro kungsaan gagawin naman ngayong araw ang ilang mga final event sa larangan ng athletics, swimming, archery at gymnastics kung saan ito ang malakas na pwersa ng delegasyon. (Rhoderick BeƱez with reports from Ana Liz Cabrido)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento