NEWS UPDATES

Sasakyan ni President Derije; binato ng mga raleyista


(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 25, 2013) ---Binato ng grupo ng mga rallyista ang sasakyan na minamaneho ni Jesus Antonio Jr. kanina bandang alas-7 ng umaga.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, sakay umano ng naturang sasakyan si USM administrative Assistant V Katherine Vergara, at  kasama ang driver na anak ni President Derije ng bigla itong pagbatuhin ng grupo ng mga rallyista habang sila ay papasok ng USM Compound.


Ang naturang sasakyan ay isang Toyota Hilux o pick-up na may engine number IKD7883619 at nakarehistro sa mag asawang Maria Elena at Jesus Antonio Derije. (Angelo Traya, DXVL News)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento