NEWS UPDATES

lubu-libong halaga ng cash natangay sa isang hold-up sa Kabacan



(Kabacan, North Cotabato/ March 25, 2013) ---Isang lalaki ang hinold-up sa Aglipay St. Kabacan, Cotabato kanina bandang alas dose-biente ng hapon.

Ayon sa Kabacan PNP, hinold-up umano ng dalawang di pa nakikilalang suspek ang biktima habang nagdidiliver ito ng stocks sa harap ng KASAPID building Aglipay St. Kabacan, Cotabato.


Kabilang sa mga natangay na kagamitan ay ang cash money na naglalaman ng humigit kumulang 57 thousand pesos, tatlong (3) ATM Card, isang (1) credit card, change invoice at counter receipts ng KMCC.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Armando Lu, sales man at residente ng Poblacion 5, Midsayap, Cotabato. (Pearl Landrito)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento