NEWS UPDATES

12-anyos na batang babae, Missing sa Carmen, Cotabato?



(Carmen, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Pinaghahanap ngayon ng kanyang mga magulang ang isang 12-anyos na batang babae na tubong Poblacion, Carmen, North Cotabato na nawawala ilang araw na.

Kinilala ang batang nawawala na si Janelle Oyong, estudyante, labing dalawang taong gulang na hanggang ngayon ay nawawala.

Ayon sa kanyang ina na si regina Oyong na residente ng nasabing bayan, nagpaalam umano ang kanyang anak na pupunta sa kaniyang kaklasi ngunit nang mag umaga na ay hindi parin bumalik ang kanyang anak. 

Sinubukan hinanap at tawagan ang kanyang cellphone ngunit hindi na ito makontak.

Sa ngayon naghihintay parin ang magulang ng bata, at gumagawa na ng aksiyon ang PNP Carmen. Para sa paghahanap ng bata. Ivy Balaba, DXVL NEWS.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento