NEWS UPDATES

Tricycab at Motorsiklo nagkarambola sa Highway ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Aksidenteng bumangga ang isang tricycab wave sa isang single motorcycle sa kahabaan ng national high way partikular sa Rizal Avenue Kabacan, Cotabato alas 6:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, sugatan ang driver ng tricycab na may plakang 2971 MN na pagmamay-ari ni Pipito Esterera at residente ng Purok Masagana ng bayang ito makaraang aksidenteng mabangga sa kulay itim na Bajaj na may plakang 6365 MT.


Nagtamo ng physical injuries ang parehong driver sa ibat-ibang parte ng katawan na agad namang isinugod sa ospital para malapatan ng medical na atensiyon. Cheremel Paguital, DXVL News.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento