NEWS UPDATES

Libung halaga ng gamit at cash natangay ng mga magnanakaw sa USM Housing


(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Nilooban ang bahay ng isang guro sa USM housing, block 4 USM Compound Kabacan, Cotabato alas onse ng umaga kahapon.

Ayon sa report, tinangay ng di nakilalang salarin ang isang yunit ng laptop acer, isang yunit ng PSP, isang yunit ng Sonny Ericson Camera at iba’t- ibang klase ng mga alahas at cash na nagkakahalaga ng dalawang libong piso na pagmamay-ari ni doctor Emerly Okit, 52-anyos at Dean ng Veterinary Medicine ng USM.


Pinasok ng mga di pa nakilalang mga salarin ang bahay sa likurang bahagi sa pamamagitan ng paghila ng screen wire at tuluyang naabot ang padlock sa loob ng pintuan at tuloy tuloy na pumasok at lumabas sa parehong daanan.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin, tumakbong papalayo ang salarin sa direksyon ng palm oil plantation na natatagpuan sa likurang bahagi ng USM housing.

Sa ngayon, patuloy paring iniimbestigahan ng PNP Kabacan ang naturang insidente.

Ito na ang ika-18 kaso ng nakawan sa bayan na naitala ng Kabacan PNP. (Joy Desendario DXVL News)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento