NEWS UPDATES

Proyektong Irigasyon; pinasinayaan sa Pres. Roxas, North Cotabato


(Pres. Roxas, North Cotabato/ February 22, 2013) ---Pinasalamatan ng mga benipesyaryo ng Hervilla Communal Irrigation Project ang bagong pinasinayang proyekto sa Poblacion, President Roxas Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ang turn over ceremony ng nasabing irigasyon ay pinangunahan  ni 2nd District Cogresswomen Nancy Catamco kung saan nagmula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na abot sa higit P5Milyon ang pondong ginamit para rito.

Ayon sa kongresista nahagi ito ng mga proyektong kaloob nito para sa mga mamamayan sa ikalawang distrito ng North Cotabato.

Ayon sa kongressita, dadaan sa National Line Agencies ang mga proyektong ipinapatupad sa kanyang distrito.

Dahil sa bagong pasilidad ng patubig, direktang makikinabnag rito ang nasa isang daan at apat-naput-tatlong ektarya ng sakahan.

Dumalo rin sina Pres. Roxas Mayor Jaime Mahimpit at Board Member Cris Cadungon kasama ang ilang mga lokal na opisyal ng bayan ang pagpapasinaya sa proyekto na isinabay sa annual general assembly. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento