NEWS UPDATES

Mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta; tinalakay sa Peace Rally Program


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 22, 2013) ---Tinalakay sa naganap na pagtitipon kaninang alas-dyes ng umaga sa harap ng USM Administration Building ang mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta hinggil sa Pamunuan ni Pangulong Jesus Antonio G. Derije ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga grupo ng mga magulang, faculty & staff at mga estudyante ng naturang unibersidad, at mga estudyante mula sa iba’t-ibang panig ng Mindanao gaya na lang ng Mindanao Islamic Polytechnic College (MIPC) mula sa Batulawan Pikit, Cotabato.

Tinalakay sa naturang programa ang mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta hinggil sa umano’y di makatarungang pamumuno ni Dr. Derije.

Naging highlight sa nasabing programa ang pagbibigay ng mensahe ni bagong talang OIC. President Teresita Cambel na tinapos ng isang pangwakas na mensahe ni Michael Haron.

Sa pangkalahatan, naidaos ng maayos at mapayapa ang naturang programa. (Cheremel Paguital)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento