NEWS UPDATES

Lalaki, Sinaksak sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ February 26, 2013) ---Sugatan ang isang lalaki, makaraan itong saksakin sa Matalam, Cotabato alas 9:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report ng Matalam PNP, kinilala ang biktima na si Juniko Roquero, 42- anyos, may asawa at residente ng Brgy. Taguranao, Matalam, Cotabato habang kinilala naman ang suspek na si Pablito Laraman.


Tinamaan si Roquero sa likod dahilan upang isugod ito sa Kidapawan Medical Specialist sa lungsod ng Kidapawan, para malapatan ng medical na atensyon.

Patuloy pang pinag-aaralan ng Matalam PNP ang dahilan ni Laraman sa pagsaksak sa biktima. Jerah Mae Macaso, DXVL News!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento