NEWS UPDATES

51-anyos na magsasaka; pinagtataga, patay sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ February 27, 2013) ---Patay ang 51 taong gulang na magsasaka makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Gayola, Kidapawan City alas 8:00 ng umaga kanina.

Kinilala ni Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Eric Sabayle Singco, may asawa at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Jecar Alcosero, 24-anyos.

Batay sa inisyal na report, nagalit umano si Alcosero dahil sa ayaw umanong paligawan ni Singco ang kanyang anak sa kanya dahilan kung bakit nito pinagtataga ang biktima.

Pasintabi sa mga kumakain sa oras na ito. Tinaga ng suspek ang biktima gamit ang lagaraw at humiwalay ang ulo nito.

Bukod dito, humiwalay din ang kamay ng biktima sa katawan nito.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang nasabing insedente at subject for manhunt na ngayon ng mga otoridad ang suspek. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento