NEWS UPDATES

Prayer convocation, isasagawa sa USM ngayong umaga


(USM, Kabacan, North cotabato/ January 21, 2013) ---Balik klase na ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao simula ngayong umaga, matapos na naabala ng ilang araw nitong nakalipas na linggo dahil sa nangyaring tensiyon gawa ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Kaugnay nito, isasagawa ngayong alas 7:00 ng uamag ang Pryaer convocation na pangungunahan ngmga administrative key officials ng Pamantasan sa University gymnasium.

Hinikaya’t naman ang lahat ng mga estudyante, faculty and staff ng Unibersidad na makiisa sa nasabing programa.

Samantala sa panig naman ng University Student Government, inihayag ni USM Pres Jalvin James Gaspan na di pa tiyak ang niluluto nilang mass movement para ipagpatuloy ngayong linggo ang kanilang pagkalampag na pababain si USM Pres. Dr. Jess Derije dahil sa magpupulong pa umano ang bawat lider ng kolehiyo.

Iginiit naman ni Gaspan na nakadepende naman sa mga mag-aaral ng USM kung sasali ang mga ito sa ikakasang kilos protesta o sa gagawing prayer convocation ngayong umaga.

Tinukoy pa nito na ang best interes sana ng University ang mangibabaw lalo na ang kapakanan ngmga estudyante kungsaan, sinabi nitong ang mga mag-aaral ng USM ang lifeblood ng Pamantasan. (RB ng Bayan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento