NEWS UPDATES

Lalaki biktima ng pananambang sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Isang lalaki ang biktima ng pananambang sa Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato Kahapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Gilbert Hepte Cortez, trentay-tres anyos, may asawa at residente ng Purok 7 Sitio Majalangit ng nasabing lugar.


Sa inisyal na pagsisiyasat ngmga otoridad, nabatid na papauwi na umano ang biktima galing sa bahay ng kanyang kaibigan ng hinarang ito at binaril at pinalo pa ng kahoy ng dalawang suspek na kinilalang sina Arnel Solomon at Jovanni Mondragon na parehong residente rin ng nasabing lugar.

Maswerte namang hindi napuruhan ang biktima at isinugod ang sarili sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan samatalang pinaniniwalaan naman na lasing ang dalawang suspek ng mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang mga responsible sa nasabing krimen. (Randy Yap, DXVL News)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento