NEWS UPDATES

MSWDO Matalam, namahagi na ng tulong sa mga sinalanta ng flashflood


(Matalam, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Namahagi na kahapon ng tulong ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ng Matalam sa ilang mga residente na sinalanta ng nagdaang baha bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa bahaging ito ng Mindanao.

Ayon kay Matalam OIC MSWD Officer Marily Akmad, tinatayang aabot sa kabuuang 1,320 pamilya ang naapektohan sa nasabing pagbaha na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ICTZ) kung saan nag-iwan ng maraming kasiraan sa ilang mga pananim ng mga magsasaka sa nasabing bayan.


Sinabi ng opisyal na ang mga barangay na naapektuhan sa naturang bayan ay ang sumusunod: Lower Malamote, Taguranao, Marbel, Ilian, New Pandan, Minamaing, Natutungan, Manupal, New Abra, Arakan, Central Malamote, West Patadon, Taculen, Kilada, Kabulacan, Latagan at Sta. Maria.

Agad namang namigay ng tulong ang nasabing tanggapan kagaya ng bigas, noodles, sardinas at mga damit na mula sa pondo ng LGU Matalam buhat sa kanilang calamity fund. (Randy Yap)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento