NEWS UPDATES

Lalaki sugatan makaraang batuhin sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Sugatan ang isang lalaki matapos na batuhin sa mismong bahay nito sa brgy. Dalapitan, Matalam, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Deze Asidre Martinez,33-anyos at residente ng nabanggit na lugar habang nakilala naman ang suspek na si John Rope Jacquias, binata at tubong Matalam.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nag-iinuman raw ang dalawa hanggang sa nagkapikunan at iuwi sa batuhan.


Sa ilong ang sugat ng biktima na agad namang dinala sa Kidapawan Medical Specialist.

Samantala, kwento pa ng suspek, una umano siyang tinapunan ng biktima ng isang bote ng beer sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha at leeg kaya siya gumanti.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Matalam PNP ang nangyaring insidente sa nasabing barangay. (Randy Yap)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento