NEWS UPDATES

Isang establishimento sa Kabacan, ni-ransacked!


(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) --- Nilooban ng mga hindi pa matukoy na salarin ang isang establishimento sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato na nakapwesto partikular sa likod ng Dulay Gas Station kahapon.

Ang nasabing establishimento ay pagmamay-ari ng isang Jerry delos Santos, 34 anyos at isang residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, natangay ng mga kawatan ang mga ibat-ibang uri ng gulong, spray paints, helmets at perang nagkakahalagang mahigit kumulang ng 60,000 pesos.

Pwersahang napasok umano ng mga salarin ang nasabing gusali sa pamamagitan ng pagsira ng door knob ng main door nito.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nasabing insidente. (Debby PiƱero, DXVL News!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento