NEWS UPDATES

Boarding House sa Kabacan, nilooban!


(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Pwersahang pinasok ng mga hindi pa natutukoy na salarin ang Masaspet’s boarding house sa Villanueva Subdivision, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Sabado bandang alas 2 ng madaling araw.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, natangay ng mga kawatan ang isang television set, 1 DVD player, isang speaker at isang rice cooker na pagmamay-ari ng mga nangungupahan sa nasabing boarding house.

Napasok umano ng mga suspek ang nasabing establishemento sa pamamagitan ng pagsira  sa padlock ng main door at ng main gate.

Agad din umanong tumungo sa hindi matukoy na direksyon ang mga suspek. (Debby Piñero, DXVL News!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento