Kinilala ng Kabacan PNP
ang biktima na si Smith Sangkupan, 16-anyos, out of school youth at resident
eng Sitio Agpa, Kayaga ng bayang ito.
NEWS UPDATES
▼
Kuya binaril ang kapatid sa Kabacan, Cotabato; patay!
(Kabacan, North
Cotabato/ November 23, 2012) ---Dead On Arrival sa USM Hospital ang isang
16-anyos na binatilyo makaraang maaksidenteng mabaril ng kanyang sariling kuya
sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 9:25 ng umaga kahapon.
Panibagong tulak-droga, tiklo ng Kabacan PNP sa isang buybust operation ngayong hapon
(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012)
---Arestado ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang tulak droga sa National
Highway, partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 2:30 ngayong
hapon.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek sina P/Insp.
Tirso Pascual, head ng Task Force Krislam, P/Insp. Rolando Dillera at P02
Michael Yambao kungsaan nasakote nila ang isang Mernie Sangginis, 26-anyos at
residente ng Jacinto St., Poblacion ng bayang ito.
Panibagong insedente ng Nakaw-Motorsiklo naitala ng Kabacan PNP ngayong hapon lamang
(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012)
---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang isang kulay pulang Yamaha Crypton na
nakaparada sa harap ng Amplayo Grocery Store na nasa Aglipay St., Poblacion,
Kabacan, Cotabato alas 2:30 ngayong hapon lamang.
Kinilala ni P/Insp. Rolando Dillera ang may
anak ng nasabing sasakyan na si Russel Jade dela Pena, residente ng Sinamar, Poblacion
ng nabanggit na lugar.
“Liwanag sa Bayan ng Kabacan Contest”, ilulunsad ngayong kapaskuhan
(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012)
---Hinihikaya’t ngayon ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang lahat na
mga Kabakenos, partikular na ang mga negosyante at maging nasa pribado at
pampublikong sektor na sumali sa “Liwanag sa Bayan ng Kabacan contest” na
magsisimula ngayon buwan ng Disyembre hanggang a-31.
Ayon kay Tourism Focal Person Sarrah Jane
Guerrero layon ng nasabing patimpalak na gawing mas kumukutikutitap at makulay ang
kapaskuhan para maramdaman ang spirit of Christmas at para makilala rin ang
Kabacan na isa sa pinakamagandang tourist destination sa North Cotabato.
Rehabilitation at Concreting ng Farm to Market Road sa 2 mga barangay ng Kabacan, nagpapatuloy
(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012)
---Target ngayon ng Kabacan Municipal Planning and Development Office na
matatapos ang Rehabilitation at concreting ng Farm to Market road sa brgy
Aringay at Nangaan sa buwan ng Enero sa susunod na taon.
Ito batay sa inilabas na report ni Municipal
Engineer Noel Agor hinggil sa nasabing proyekto.
Abot sa 14.83 kilometro ang haba ng nasabing
Farm to Market road para sa mga brgy: Aringay, Salapungan, Pedtad, Buluan at
Nangaan.
Mga mag-aaral ng USM na hindi pa nakapa final screening, bibigyan ng hanggang Biyernes na lamang –ayon sa VPAA
(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 21,
2012) ---Nababahala kahapon si USM Vice President for Academic Affairs Dr.
Antonio Tacardon sa malaking bilang ng mga mag-aaral ng USM na hindi pa
nakapag-final screening.
Ibig sabihin nito, hindi pa officially
enrolled ang nasabing mga estudyante o hanggang assessment lamang ang kanilang
naiproseso.
Mga Personnel ng Kabacan PNP, sumailalim sa Annual Regular Inspection
(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Sumailalim
kahapon sa Annual Regular Inspection ang mga personnel ng Kabacan PNP sa
pangunguna ng National Police Commission o Napolcom Regional Office 12.
Ayon kay Napolcom Provincial Officer PI
Arturo Caballero, ang nasabing taunang inspeksiyon ay bahagi ng accounting sa
mga pulis kung ang mga ito ay sumususnod sa tuntunin, tamang pagbibihis ng
uniporme at kung ang mga ito ay nasa tamang duty nila.
Zoning Ordinance ng Kabacan planung ihahabol ng MPDC sa Sanggunian bago matapos ang taon
(Kabacan,
North Cotabato/ November 21, 2012) ---Bagama’t gahol na sa oras nais ngayong
ihabol ng pamunuan ng Kabacan Municipal Planning and Development Office sa
Sangguniang bayan ang Zoning Ordinance ng Kabacan.
Ito para
makabuo na ng bagong Comprehensive Land Use Planning ang bayan.
Pero sinabi
sa DXVL Radyo ng Bayan ni Zoning Officer Florida Sabutan na dadaan pa muna sa
masusing pagsisiyasat ang nasabing ordinansa bago ito maisalang sa unang
pagbasa.
3 katao, arestado sa raid ng Midsayap PNP
(Midsayap, North Cotabato/ November 20,
2012) ---Arestado sa isinagawang raid ng Midsayap PNP ang tatlo katao dahil sa
paglabag nito sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa bayan ng Midsayap.
Nanguna sa nasabing search raid sina Supt.
Joseph Semillano, hepe ng Midsayap PNP at PSI Henry Narciso, intelligence
Operative at natiklo ang mga suspek na sina Nanimbong Panayaman alias Ilang Panayaman,
30, binata residente ng Sitio Dampa, Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato.
2 mga Pinaniniwalaang pampasabog, narekober sa highway ng Kidapawan City
(Kidapawan City/November 20, 2012) ---Narekober
ng mga otoridad ang dalawang mga pinaniniwalaang improvised landmines na
nakasilid sa 2 mga malalaking lata sa boundary ng barangay Marbel at Mateo,
Kidapawan City alas 7:00 kaninang umaga.
Ayon kay Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP isang
miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakilalang si
Leonardo Podadera ang nakakita ng nasabing explosives na nakalagay ilang
talampakan lamang ang layo mula sa highway.
Mahigit sa 9 na raang mga estudyante ng USM na hindi pa nakapag-final screening; pinaalalahanan na asikasuhin na ang enrollment hanggang ngayong Biyernes na lamang
(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20,
2012) ---Sinabi ngayong umaga ni USM Vice President for Academic Affairs Dr.
Antonio Tacardon na abot sa 988 na mga mag-aaral ng University of Southern
Mindanao ang hindi pa nakapag-final screening para sa kanilang enrollment sa
unibersidad.
Ibig sabihin nito, hindi pa officially
enrolled ang natukoy na bilang ng mga estudyante o hanggang assessment lamang
ang kanilang naiproseso.
Binibining Midsayap 2012 hopefuls, nagpasiklab ng kanilang talento at ganda
(Midsayap, North
Cotabato/ November 20, 2012) ---Naging masaya ng ginawang Talent Night &
Haute Couture show ng 2012 Binibining Midsayap pageant nitong Linggo, November
18 ng taong kasalukuyan.
Siyam ng naggagandahang
kalahok ang nagpakita ng kanilang angking talento tulad ng pagsasayaw,
pag-awit, pagpinta, at iba pa.
Kasabay din sa
pinaglabanang kasuotan kagabi ay ang Haute Couture dress na inspirado ng one
town one product ng Midsayap na mangga.
USM namayagpag sa iba’t-ibang mga patimpalak ng Kalimudan 2012 sa Sultan Kudarat
(Sultan
Kudarat, November 20, 2012) ----Itinanghal na kampeon sa kabuuan ang University
of Southern Mindanao sa katatapos na “Farms and Industry Encounters Through the
Science and Technology Agenda” na ginanap sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong
Nobyembre a-16 hanggang 17.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Kalimudan Festival na may temang “Sustaining Science and Technology thru Partnership” ng iba’t-ibang ahensiya kagaya ng Cotabato Agriculture and Resources Research and Development Consortium-Philippines o CARRDEC, Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development o PCARRD at ng provincial government ng Sultan Kudarat.
Kabacan PNP, muling nagpaalala sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante matapos mataas na kaso ng nakawan sa bayan
(Kabacan,
North Cotabato/ November 20, 2012) ---Muling nagpaalala ang pamunuan ng Kabacan
PNP sa mga may ari ng motorsiklo na maging maingat at vigilante dahil sa
dumaraming kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan.
Ang
pinakahuli dito ay nangyari alas 12:40 ng tanghali noong Sabado kungsaan
natangay ang isang kulay puting Honda XRM-125 motorcycle ni Mosa Yosup,
21-anyos, magsasaka, binata at resident eng Pagagawan, Maguindanao.
Mahigit sa 3Megawatts na supply ng kuryente kulang ng NPC/PSALM sa Cotelco dahilan ng mahabang brown-out sa service erya nito
(Kabacan,
North Cotabato/ November 20, 2012) ---Umaabot sa mahigit sa 3 megawatts ang
kakulangan ng supply ng kuryente sa Cotabato Electric Cooperative o cotelco
Main dahilan ng mahabang brown-out na nararanasan sa mga service erya nito.
Ito ayon
kay Cotelco General Manager Godofredo Homez, aniya ang kinokontrata ng cotelco
mula sa NPC ay 19megawatts bawat buwan at dagdag na 8megawatts mula sa therma
Marine Incorporated o TMI katumbas na 27megawatts para sa cotelco main.
Warning siren o alarm bell; ilalagay ng Makilala LGU sa mismong municipal hall sa unang bahagi ng 2013 para sa disaster preparedness
(Makilala, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Maglalagay
ng warning siren o alarm bell ang Makilala LGU sa mismong municipal hall sa
unang bahagi ng 2013.
Ayon Makilala Mayor Rudy Caogdan, bahagi ito ng
action plan ng LGU para sa kanilang disaster preparedness program.
Sinabi ng alkalde na kayang abutin ang abot sa
40-kilometer radius ng ilalagay na alarm bell.