NEWS UPDATES

Binibining Midsayap 2012 hopefuls, nagpasiklab ng kanilang talento at ganda


(Midsayap, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Naging masaya ng ginawang Talent Night & Haute Couture show ng 2012 Binibining Midsayap pageant nitong Linggo, November 18 ng taong kasalukuyan.

Siyam ng naggagandahang kalahok ang nagpakita ng kanilang angking talento tulad ng pagsasayaw, pag-awit, pagpinta, at iba pa.

Kasabay din sa pinaglabanang kasuotan kagabi ay ang Haute Couture dress na inspirado ng one town one product ng Midsayap na mangga.

Sa mensahe ni Great Women Project Manager Luzviminda Villanueva na ang pagsasa-entablado ng ganitong uri ng paligsahan ay indikasyon na kinikilala ang malaking kontribusyon ng kababaihan sa pag- unlada ng isang lipunan.

Dagdag ni Villanueva na ang bawat babae ay may kanyang angking talent at galing na dapat nitong ipagmalaki at ipamalas sa kanyang mundong ginagalawan.

Gagaganapin naman ang Grand Pageant Night ngayong Biyernes, November 23 sa Midsayap Municipal Gymnasium.

Libre itong mapapanood at magsisimula sa ika- 7 ng gabi.(Roderick Bautista)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento