(Kabacan, North Cotabato/July 14, 2012) ---Dead
on the spot ang isang 67-anyos na negosyante matapos na pagbabarilin ng mga di
pa nakilalang mga suspek gamit ang di pa matuloy na uri ng baril sa nangyaring
pang-hohold-up sa isang tindahan sa Maria Clara Extension at Roxas St.,
Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:10 ngayong hapon lamang.
NEWS UPDATES
▼
Mahigit sa 40 na mga illegal sliced lumbers; nakumpiska ng Carmen PNP
(Carmen, North Cotabato/July 13,
2012) ---Abot sa 1,225 boardft. na mga illegally sliced lumbers ang nakumpiska
ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Kampo, Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato
nitong Miyerkules.
Ayon kay PCI Jordine Maribojo, hepe
ng Carmen PNP ang pagkakakumpiska ng nasabing mga illegal na troso ay dahil sa
kanilang nagpapatuloy na kampanya kontra illegal logging sa lugar.
Pagtaas ng tuition at miscellaneous fee sa isang pribadong paaralan sa North Cotabato; inirereklamo ng mga magulang at estudyante
(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Inirereklamo
ng ilang mga estudyante at mga magulang ang umano biglaang pagtaas sa tuition
at miscellaneous fee ng Central Mindanao Colleges o CMC – ang premier private
tertiary education sa Kidapawan City.
Ayon sa mga complainant, nagtaas ng
tuition ang CMC nang ‘di dumaan sa konsultasyon.
Kinuwestyun din nila ang kawalan ng
student handbook.
Misis mula sa Kidapawan city; nirereklamo ang PAG-IBIG hinggil sa pagbawi ng titulo mula sa original na borrower ng Housing unit
(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Agad
inaksyunan ng PAG-IBIG ang reklamo ng isang Mrs. Lucilla Matundin nang bawiin
nito ang ibinigay na titulo ng lupa sa isang Vicente Calayca, ang orihinal na
borrower ng isang housing unit sa Phase 2 Sandawa Homes.
8-taong gulang na estudyante; sugatan matapos na masangkot sa aksidente sa highway ng Kidapawan City
(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Sugatan
ang walong taong gulang at estudyanteng si Ana Marie Galbe na taga Tamesis st.
Kidapawan city matapos na aksidenteng mabunggo ng isang namamasadang trisikel
na may KD-# 1-1862 na minamaneho ni Wilson Rigue na taga Barangay mateo
Kidapawan City.
Naganap ang aksidente kahapon banda
alas dose y medya ng tanghali sa may Villamarso St. ng lungsod.
Task Force Krislam, ilulunsad sa Kabacan; giyera kontra illegal na droga; ikakasa!
(Kabacan, North Cotabato/July 13, 2012) ---Inilatag
na ng Cotabato Provincial Police Office ang iba’t-ibang programa hinggil sa
ilulunsad na Task Force Krislam sa araw ng Sabado, Hulyo a-katorse, 2012 sa
Purok, Chrislam, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan
PNP, may mga inihanda silang programa sa umaga kungsaan magsasalita ang
iba’t-ibang mga stakeholders mula sa sektor ng kabataan, akademya, brgy
officials, LGU, PNP, kasama na dito ang Regional Director ng PDEA-12 Aileen
Lovitos, 1st district Board Member Ernesto Concepcion at iba pa.
Bayan ng Pikit, nakatanggap ng Tatlumput isang multicab at limang bagong gusali mula sa TUCP at Cotabato Provincial Office
(Pikit, North Cotabato/July 13, 2012) ---Tatlumput
isang baranggay sa Pikit , North Cotabato ang nakatanggap ng tig-iisang
multicab na mula sa Trade Union Congress
of the Philippines (TUCP).
Sa mensahe ni Cotabato Governer Emmylou
“lala” Taliño-Mendoza sa turn over ceremony ng mga nabanggit na
multicab, binigyang diin nito na ang mag sasakyan ay hindi para sa pamamasyal
sa mga malls at beach kundi gagamitin
ito tuwing may mga biglaang kaso gaya ng pagsugod ng pasyente sa Ospital o kung
may mga pagbaha at relief operations.
Bangkay na natagpuan sa Magpet, North Cotabato kilala na; pero hindi umano ito estudyante ng USM
(Magpet, North Cotabato/July 13, 2012)
---Mismong ang kamag-anak ng biktima ang kumilala sa bangkay na natagpuan sa
isang kanal sa may Barangay Kamada sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Kinilala ni Sr. Insp. Orly Ocumen,
hepe ng Magpet PNP, ang bangkay na si Talahudin Naway, 28, ng Barangay
Rajamuda, Pikit na sinasabing estudyante ng University of Southern Mindanao.
Pero, batay sa record ng ICTC-USM,
sinabi ni Alvin Mibalo na wala silang record sa pangalan ni Talahudin Naway na
nag-patala ngayong semester.
3 katao huli sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Pulisya sa Kabacan
WAR against illegal drugs, ikakasa sa Kabacan
MILGOO: Jasmin Musaid |
Ayon sa opisyal
number one ang Kabacan sa buong probinsiya ng North Cotabato sa mga nagsusuply
ng illegal na droga partikular na ang shabu.
SSupt. Cornelio Salinas |
Kaugnay
nito, ilulunsad nila ang giyera na tatawaging total war against illegal drugs
in North Cotabato kungsaan una nilang tutukan ang Purok Krislam dito sa bayan
ng Kabacan kaugnay sa kampanyang ito.
Ginawa ng
opisyal ang pahayag sa isinagawang emergency Municipal Peace and Order Council
meeting o MPOC kahapon ng hapon na dinaluhan ng ilang mga lokal na opisyal ng
bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Pol Dulay, mga heads of office ng LGU at
ilang mga regular na miembro ng MPOC.
Mga nagtitinda ng Lumberyard sa Kabacan na walang permit; napipintong ipasara
CPPSC Supt. Alex Tagum |
Kaya ang mga ito ay nahaharap sa kasong
paglabag sa illegal logging.
Peace and development dialogue, isinagawa sa North Cotabato 1st District
(Midsayap, North
Cotabato/July 12, 2012) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan ang dalawang araw na peace and development
dialogue na isinagawa sa CJNS Kapayaapaan Hall, Midsayap, Cotabato.
Dinaluhan ito ng mga
barangay leaders at municipal officials mula sa mga bayan ng Pigcawayan,
Libungan at Midsayap.
Business sector sa N.Cotabato 1st District, makaka-asa sa maayos na peace and order- Cong Sacdalan
(Midsayap, North
Cotabato/July 12, 2012) ---Tiniyak ngayon ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan na nasa maayos na kalagayan ang peace and order
sa distritong kanyang nasasakupan.
Sinabi ito ng
opisyal sa mga negosyanteng kasapi ng iba’t- ibang chambers of commerce and
industry ng Midsayap, Libungan at Pigcawayan na dumalo sa ikalawang araw ng
peace and development dialogue sa tanggapan ng kongresista.
11 mga preso kasama si Kumander “Lastikman”, pumuga sa Maguindanap provincial jail
(Cotabato City/July 10,
2012) ---Labing isang preso ang nakatakas mula sa Maguindanao Provincial Jail
dakong 1:30 ng madaling araw kanina sa lungsod ng Cotabato.
Ayun kay Cotabato City
Police Director SSupt Danny Reyes kabilang sa mga nakatakas ay si Datucan Samad
alyas Kumander Lastikman.