NEWS UPDATES

Business sector sa N.Cotabato 1st District, makaka-asa sa maayos na peace and order- Cong Sacdalan

(Midsayap, North Cotabato/July 12, 2012) ---Tiniyak ngayon ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na nasa maayos na kalagayan ang peace and order sa distritong kanyang nasasakupan.

Sinabi ito ng opisyal sa mga negosyanteng kasapi ng iba’t- ibang chambers of commerce and industry ng Midsayap, Libungan at Pigcawayan na dumalo sa ikalawang araw ng peace and development dialogue sa tanggapan ng kongresista.

Dagdag ng opisyal, huwag paniwalaan ang kumakalat na balitang nagkakaproblema di-umano ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF. Iginiit nitong nasa maayos na pag- uusap ang dalawang kampo.

Kaugnay nito ay tinalakay din ang pagpasok ng milyong pisong investment possibilities kabilang na ang pagkakaroon ng coconut oil mill or palm oil mill at hydropower plant sa distrito
Ngunit kokonsultahin muna ang mga lokal na negosyante, LGUs, at community leaders upang mapag- usapan at mailatag ang isang komprehesibong plano kaugnay nito.

Hinikayat naman ni Cong. Sacdalan na palakasin ang chambers of commerce and industry sa mga natukoy na bayan upang maitaas ang kumpiyansa ng investors at maging ng pamahalaan.(Roderick Bautista)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento