Naganap ito kahapon.
Ang titulo na una nang naibigay kay
Calayca ay hawak na ng PAG-IBIG-Regional Office Number 12.
Dahil dito, nabunutan ng tinik si
Matundin.
Gayunman, hindi ibibigay ng PAG-IBIG
ang naturang titulo ng lupa, hangga’t ‘di pa nababayaran ni Matundin ang obligasyon
niya kay Calayca.
Sinabi ni Matundin na kung may
bayaran mang mangyayari, gagawin nila ito sa opisina ng PAG-IBIG.
At ang mga staff na ng ahensiya ang
magsisilbing testigo sa magaganap na amicable settlement.
SA AGUSAN DEL NORTE ---UMABOT sa 20
minuto ang bakbakan sa pagitan ng Army at ng mga rebelde na naganap kahapon sa
Barangay Maraiging sa bayan ng Jabonga.
Ayon sa report, hinaras ng di pa
malamang bilang ng New Peoples’ Army o NPA ang detachment ng Army sa naturang
barangay.
Nadamay din sa pag-atake ng NPA ang
bubong ng daycare center na matatagpuan malapit sa detachment ng Army.
Bagamat walang naiulat na nasawi o
nasugatan sa pag-atake, nag-iwan ito ng matinding takot, lalo na sa mga
residente malapit sa detachment ng mga sundalo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento