NEWS UPDATES

Bangkay natagpuan sa isang oil palm plantation sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 29, 2012) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang pribadong plantasyon ng oil palm sa brgy Dagupan, Kabacan, cotabato alas 10:00 ngayong umaga lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP,  ang nasabing bangkay ay nasa 5’5 ang taas, edad 40-45 taong gulang.

Nakasuot ng putting long sleeve at brown na slacks.

Batay sa report ngmga imbestigador, ang nasabing bangkay ay nakagapos ang kamay at posibleng hinampas umano ng isang di pa matukoy na matigas na bagay ang ulo nito na posibleng nagging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Ang duda ni supt. Ajero, posibleng itinapon lamang sa nasabing plantasyon ang bangkay, dahil wala umanong mga nakitang ebedensiya sa crime scene na doon piñata ang biktima.

Sa ngayon, nasa Villa Jusa Funeral Parlor ang bangkay ng nasabing lalaki, at ayon kay Supt. Ajero may nag claim na umanong pamilya buhat sa Ilian, Matalam pero patuloy pa ang ginagawang validation. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento