NEWS UPDATES

Tribal Leaders sa isang barangay ng Midsayap, nanumpa sa tungkulin

(Midsayap, North Cotabato/October 12, 2012) ---Nanumpa kamakailan ang bagong halal na mga opisyales ng Council of Tribal Elders sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Ang confirmation of officers ay pinangunahan ni Midsayap Mayor Manuel Rabara sa harap ng mga katutubo at opisyal ng barangay na dumalo sa nabanggit na programa.

Sinabi ni Timuey Jaime Mangcawil Sr. na siyang tribal chieftain sa lugar, sinisikap ng mga Lumad na palakasin ang kanilang grupo upang maging kabahagi sa pagsusulong ng kaunlaran at kapayapaan.

Ayon naman kay Vicky Cantoy na siyang kinatawan ni North Cotabato 1st Distrit Cong. Jesus Sacdalan, mainam umano na matatag ang isang asosasyon o grupo upang madaling makahingi ng kaukulang tulong sa gobyerno at iba pang pribadong organisasyon.

Dagdag ni Cantoy, suportado umano ng tanggapan ng kongresista ang anumang inisyatibo ng mga Lumad sa lugar.

Nabatid na kabilang sa mga katutubong naninirahan ngayon sa Barangay Salunayan ay ang mga tribung Manobo, Teduray, Kamayo, at Mandaya.

Dumalo din sa programa si Timuey Lito Palma na siyang chairperson ng Council of Elders dito sa lalawigan. (Rhoderick Bautista)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento