NEWS UPDATES

Di umano’y talamak na operasyon ng lumberyard sa Brgy. Nanga-an, Kabacan, pinabulaanan ng kapitan ng barangay


(Kabacan, North Cotabato/October 11, 2012) ---Pinabulaanan ngayon ng pamunuan ng Barangay Nanga-an ang lumabas na ulat na diumano’y mayroong talamak na operasyon ng bansuhan sa lugar.

Ayon sa emisaryong ipinadala ni Nanga-an Brgy. Captain Datukali Lumambas, hindi umano totoo ang alegasyong ito. Paliwanag nito ang mga pinutol na punongkahoy na nakikita sa lugar ay dumadaan lamang sa kanilang barangay sa pamamagitan ng Rio Grande de Mindanao.


Ang mga ito, ayon pa sa emisaryo, galing umano ang ito sa itaas na bahagi ng Rio Grande de Mindanao partikyular sa barangay Selat, na sakop naman ng bayan ng Pres. Roxas.

Dagdag pa nito, nagiging docking area lamang ang Barangay Nanga-an at mula doon ay sinusundo na ng small farm tractor o kuliglig ang mga pinutol na kahoy at saka dinadala ang mga ito papunta sa bayan ng Kabacan.

Aminado naman ang pamunuan ng Barangay Nanga-an na wala silang kapangyarihan para pigilan ang pagdaan ng naturang mga kahoy sa kanilang lugar.

Una rito, lumabas ang ulat na nakatakdang imbestigahan ng Environment and Natural Resources Office ng Midsayap ang operasyon ng lumberyard sa Nanga-an matapos na ilang residente mismo ng lugar ang nagbigay impormasyon tungkol dito.

Ayon kay CENRO Midsayap OIC Abulao Batugan, matagal na umanong may ipinatigil ang operasyon ng bansuhan sa lugar.

Kung matatandaan nagpalabas ng kautusan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng Executive Order number 23. (Allan Guleng Dalo)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento