NEWS UPDATES

NGO nanguna sa Agri-Fair Day sa isang malayong barangay sa President Roxas, North Cotabato


(President Roxas, North Cotabato/September 27, 2012)  ---ABOT sa animnapu’t pito’ng mga magsasaka sa Barangay Lama-Lama – isang malayong lugar sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, ang dumalo sa isinagawang Agri-Fair Day, kahapon.
      
Ang aktibidad ay isang proyekto ng ACF o Action Against Hunger -- isang international non-government organization na ang pangunahing trabaho ay nakatutok sa pagbabawas ng mga insidente ng malnutrisyon at kahirapan sa buong mundo.

      
Ayon kay Rolando Alvino, food security and livelihood program head ng ACF International, tumanggap ng tinatawag na, “agricultural voucher” ang bawat benepisyaryo ng programa.
      
Laman ng voucher ang mga farm tools na magagamit ng mga magsasaka sa kanilang bukirin.
      
SINABI ni Alvino na pinili nila ang Barangay Lama-lama dahil sa mataas na kaso ng malnutrisyon at ilang ilang food security issues doon.
      
Ngayong araw, tutungo naman ang grupo sa Barangay Ganatan sa bayan ng Arakan upang magsagawa rin ng Agri-Fair Day.
      
Partner ng ACF sa proyekto ang Cotabato provincial government, at ang LGU ng Arakan at President Roxas.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento