Itatampok ang mga
kasuotan sa tatlong panahon.
Unang bahagi ng
palabas ay ang indigenous peoples traditional attires. Susundan naman ito ng mga
kasuotang Muslim Huling bahagi naman ang mga kasuotang may impluwensyang
Kastila at modernong panahon.
Ayon sa mga
tagapagtaguyod ng Lantaw Mindanaw, isa itong pagkakataon upang maiparating at
maituro sa mga kabataan ang ganda at kahalagahan ng kasuotang Mindanawon.
Layon din ng
presentasyon na ipakita ang pagkakaisa ng Lumad, Muslim at Kristyano sa
paglipas ng panahon.
Nabatid din na boluntaryong
nagbigay ng kanilang mga serbisyo ang ilang designers at peace advocates sa
Midsayap para sa nabanggit na stage presentation.
Nakatakdang ipalabas
ang Lantaw Mindanaw sa darating na October 2 sa SCC Civic Center, 6PM.
Libre itong mapapanood
ng publiko. (Roderick Rivera Bautista)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento