NEWS UPDATES

City Tourism ng Kidapawan patay matapos pagbabarilin


(Kidapawan City/September 4, 2012) ---Patay ang City Tourism Officer ng Kidapawan City makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang sakay ng tricycle at binabaybay ang National highway sa Poblacion ng Kidapawan alas 9:15 kaninang umaga.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Marie Fe Sison Geronga-Pame na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan dibdib at likod.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Kidapawan city Hospital subalit ilang minute lamang ang nakalipas ay binawian na rin ito ng buhay.

Agad namang inatasan ni Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco ang mga otoridad na tugisin ang mga responsable sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa mga nakasaksi, sakay umano sa kulay pulang motorsiklo ang mga riding in tandem sa mga suspek na walang plate number, kungsaan ang mga suspek ay nag-aabang na sa labas ng bahay ng biktima sa Sandaw Homes Phase 1 sa Poblacion ng Kidapawan City.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang nasabing insedente sa di malamang direksiyon. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento