NEWS UPDATES

2 katao huli sa operasyon ng Kabacan PNP kontra illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Arestado ng mga otoridad ang dalawa katao sa kanilang magkahiwalay na operasyon kontra illegal gambling partikular na ang illegal number games na mas kilala sa tawag na “last two” sa Pobalacion, Kabacan nitong linggo ng umaga.

Nanguna sa pag-aresto si P/Inps. Tirso Pascual sa ilalim ng supervision ni P/Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng Kabacan PNP sa mga suspek na sina Trisha Gasciano Soriano, 24, dalaga at residente ng Parang, Maguindanao na pansamantalang nanunuluyan sa Malvar St., at ang isa pa na nakilalang si Analea Subillaga Reyno, 35, single at residente ng Aglipay St.

Nakuha mula sa posisyon ng mga ito ang last two paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng P865.00 batay sa iba’t-ibang denominasyon.

Agad namang inilagay sa kustodiya ng Kabacan PNP ang mga nahuling salarin at kakaharapin ng mga ito ang paglabag sa R.A. 9287. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento