NEWS UPDATES

Libu-libung halaga ng pera at mga personal na belongings, natangay sa panibagong robbery hold-up sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Isang robbery hold-up ang naganap sa Sitio Malabuaya sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:30 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Police Inspector Tirso Pascual, ang nasabing sasakyan ay isang maliit na Van na may plate # MFA 783 kulay dark blue na biyaheng buhat sa cotabato city papuntang Kidapawan City ng mahold-up ng mga armadong kalalakihan.

Hinarangan umano ng mga suspek ang kalsada na dinaanan ng nasabing sasakyan kaya huminto ang driver.

Bigla namang tinutukan ang driver ng mataas na kalibre ng baril at nagdeklara ng hold-up.

Agad namang tinangay ng mga armadong suspek ang perang nagkakahalaga ng mahigit sa P3,500 at ilan pang mga mahahalagang gamit ng pasahero.

Agad namang tumakas ng mga suspek ng malamang may paparating na mga sasakyan kungsaan naka-bonnet ang mga ito.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng nasabing sasakyan makaraang manlaban sa mga suspek.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga elemento ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Insp. Tirso Pascual. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento