NEWS UPDATES

Estudyante na hit and run sa Kabacan Highway; suspek tumakas


(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Isang Toyota Pick-up Elf ang naka-hit and run sa isang estudyante ng Katidtuad High School sa bahagi ng Katidtuan National Highway alas 7:00 ngayong umaga.
Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual sa panayam ng DXVL News ngayong umaga, patuloy na pinaghahanap na nila ngayon ang nasabing sasakyan na posibleng may plate # na PGG 108, PJJ108, PGG 109, PJJ 109, PGG 509 at PJJ 509.

Panawagan ngayon sa publiko na kung makita po ninyu ang nasabing sasakyan batay sa mga pagkakakilanlan ng mga nabanggit na plate #’s ay agad na ireport sa himpilan ng pulisya dahil sa ang nasabing sasakyan ay nakabangga ng isang estudyante at agad namang tumakas sa di malamang direksiyon.
Kinilala ng pulisya ang nabangga na biktima na si Marilou Rosaldo, 3rd year High School nag-aaral sa nabnggit na eskwelahan at resident eng Carmen, North Cotabato. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento