NEWS UPDATES

Lalaking may kasong pamomolestiya, arestado ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/June 19, 2012) --- arestado ng Trakers team ng Carmen PNP na pinangungunahan ni SPO2 Flet Jacinto ang isang Robert Subibe sa mismong bahay nito alas 9:10 kahapon ng umaga sa Brgy. Kibudtungan ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek ay nahaharap sa kasong acts of lasciviousness docketed  crime case 5529-c na inisyu ng 3rd MCTC Kabacan.
Nahuli si Subibe sa isinagawang close surveillance ng otoridad kungsaan palagi umano siyang nakikita sa Poblacion ng Kabacan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento