NEWS UPDATES

Lalaki natagpuang patay sa boarding house sa Kidapawan City

(Kidapawan City/June 9, 2012) ---Naninigas na ang bangkay ng 23-taong gulang na fish vendor na si Eduard Agripalo na taga-Barangay Sibawan, Kidapawan City, nang matagpuan sa loob ng boarding house nito sa may Quirino Drive sa Poblacion ng lungsod, alas-630 ng umaga, kamakalawa.

Ayon kay Police Officer 2 Conrado Abalos, investigator-on-case ng Kidapawan City PNP, tatlong araw na’ng patay si Agripalo.
         
Noong unang araw ay ‘di pinansin ng mga boardmate ang ‘di paglabas ni Agripalo sa kanyang kwarto.

Pero nagtaka na sila dahil may masangsang silang naamoy kaya’t  sapilitan nilang binuksan ang kwarto at tumambad sa kanila ang naninigas at nangangamoy na bangkay ni Agripalo.

Base sa post mortem examination na isinagawa ni Dr. Ted Calica, assistant health officer ng lungsod, na-stroke si Agripalo dahil sa pagtaas ng blood pressure nito na naging dahilan ng agaran nito’ng kamatayan. (MCM)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento