NEWS UPDATES

PRC, nakatakdang dumating sa USM ngayong buwan ng Hunyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Darating sa June 2 – 3 ang mga kinatawan ng Professional Regulatory Commission o PRC mobile team ditto sa University of southern Mindanao o USM para sa lahat ng mga fresh graduates na kukuha ng licensure examinations.
Ayon kay USMFA Pres Dr. Anita Tacardon, USM Review Center Manager ang nasabing hakbang ay bilang tugon nila sa mga kukuha ng licensure exam upang hindi na pipila ng mahaba at ng sa ganun ay makatipid na rin ng pera pamasahe papunta ng Davao city.

Ayon sa opisyal sa umaga ng June 2 lahat ng mga reviewers ng USM ang kanilang i-cacater maliban na lamang sa mga re-takers at sa hapon naman ang mga non-usm graduates.

Pinayuhan naman ni Dr. Tacardon ang lahat ng mga mag-file na ngayon pa lamang ay asikasuhin na ang inyung mga requirements kagaya ng TOR, Birth certificate, Examination fee at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon maaring tumawag sa USMFA Office sa 064-248-2898. (Rhoderick Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento