NEWS UPDATES

Mindanao Tech, Wagi bilang isa sa apat na pinakamahusay na pang-kampus na magasin-pang kolehiyo sa buong bansa

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 28, 2012) ---Nasungkit ng Mindanao Tech, ang ika-apat na pwesto bilang isa sa pinakamahusay na pang-kampus na magasin at pangkolehiyo sa buong bansa sa katatapos na  72nd National Student Press Convention sa Palawan State University, Puerto Princesa City Palawan noong May 14-18, 2012.

Ayon kay Dept. English Language and Literature Chairperson Marlon T. Salvador, English Adviser ng Mindanao Tech namayagpag sa nasabing pwesto ang official Student Publication ng University of Southern Mindanao na ang issue ay mula Nov 2011-April 2012.

Kasama ni Prof Salvador ang delegado ng USM sa katauhan ni Juliet Pangalinon, BS Devcom at Associate Editor ng Mindanao Tech.

Abot sa anim na pung mga kalahok mula sa pinaka-malalaking mga kolehiyo at Pamantasan sa buong Pilipinas ang sumali sa nasabing kompetisyon kabilang na dito ang: The Torch ng Philippine Normal University; AteNews ng Ateneo de Davao University; Technoscope ng Pangasinan State University at iba pa.

Nabatid na ang Mindanao Tech ay opisyal na Student Publication ng USM at kasapi ng student Guild of the Philippines o CEGP. (Rhoderick Benez)
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento