Ayon kay Captain
Ernesto Aguilar, commander ng Bravo Company ng 57th IB, bahagi ng
kanilang ‘peace-building activity’ ang paggawa ng mabuti sa kapwa.
Kaya’t ang mga
abusadong sundalo wala raw puwang sa kanilang batalyon.
Reaksyon ito ni
Aguilar sa mga puna na ang presensiya ng mga sundalo sa isang malayong barangay
sa bayan ng Magpet, North Cotabato ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga
mamamayan.
Ayon kay Aguilar, kung
ang mga sundalo ay gumagawa ng mabuti at tama sa komunidad, magiging matibay
ang suporta ng mga residente sa kanila.
Ipagtatanggol rin sila
ng mga mamamayan kung ang mga sundalo modelo ng kagandahang-asal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento