Ayon kay Dr. Kutin Kulano ang Training
coordinator ng nasabing programa ngayong araw din magtatapos ang 1st
batch ng mga gurong magtuturo sa K+12 kungsaan ang USM ang magiging service
Provider sa mga grade 7 teachers o yung mga 1st year high school
teacher sa dating curriculum.
Abot sa limang daang mga guro ang sumailalim
sa nasabing programa, sa convention hall ang mga MAPEH group, sa Cafeteria
naman ang Social studies group habang nasa DD clemete naman ang Math group,
Filipino sa College of Education at tatlong areas naman ULS- ang TLE at
Edukasyon sa pagpapakatao.
Nagsimula ang unang batch nito pang May
12-15- Maguindanao 1, 2nd batch naman sa May 18-22- Maguindanao 2 at
pang huli ang batch na mula sa Marawi ay sa May 24-28 lahat ay isasagawa sa
USM. (Rhoderick Beñez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento