NEWS UPDATES

6 na mga kurso sa USM na may licensure examinations, pinahohold ang TOR; pero TOR ng mga Nursing graduates, ni-rerelease naman

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Anim na mga programs with licensure examinations sa USM ang pansamantalang pinahohold ang mga Transcript of Records o TOR upang tiyakin na ang lahat ng mga kukuha ng eksaminasyon ay sumailalim sa review.

Ito ang sinabi kahapon ni Dr. Anita Tacardon matapos ang inilabas na memo sa tanggapan ng USM review Center kungsaan kabilang sa mga kursong dapat ay dumaan sa masusing pagreview ay ang: Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics, Bachelor of Arts in English at bachelor of Library and Information Science.

Aniya, ilalabas naman nila ang nasabing TOR sa unang buwan ng linggo pagkatapos ng review.

Samantala, mariing pinabulaanan naman ni University Registrar III Lucia Cabangbang na walang katotohanan ang report na hinohold umano nila ang mga Transcript of Records ng mga nursing graduates na magrereview sa ilang mga review center.

Ayon kay Cabangbang, katunayan aniya ay marami na silang mga TOR ng mga Nursing graduates na nirelease nito pang nakaraang buwan.

Giit naman ng opisyal na dapat lahat ng mga kukuha ng board exam ay kailangan muna nilang mag review.
Una dito, dismayado kasi ang pamunuan ng pamantasan matapos na lumabas ang resulta kamakailan ng Licensure Examinations for Teachers na nahila ang passing rate pababa matapos na marami umano sa mga kumuha ng eksaminasyon ay di dumaan sa pag-review.

Ayon kay Dr. Tacardon, noon pa umanong mga nakaraang limang taon na graduates ang nag-take ng nasabing exam dahilan kung bakit maging ang fresh graduates ng USM na nahila ng nasabing resulta. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento