NEWS UPDATES

Pugante na halos 20 taon na nagtago muli’ng naaresto sa Arakan, N Cotabato


(Arakan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Pagkatapos magtago ng 17 taon, muli’ng naibalik sa kulungan ang pugante na kinilalang si Cristitoto Tan matapos mahuli ng mga operatiba ng Arakan PNP, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Chief Inspector Joeffrey Todenio.
     
Ayon kay Todenio, nahuli nila ang naturang pugante sa Barangay Katipunan ng Arakan – na halos ay nasa boundary na ng Calinan district, Davao City at Bukidnon province, dahil sa tulong ng isang government informant.

Di nga nagkamali ang Arakan PNP dahil naroon nga sa lugar si Tan.
     
Di naman pumalag si Tan nang arestuhin nina Todenio.
     
Ang pugante na si Tan ay may kasong homicide na noon pang June 7, 1995 naiulat na tumakas mula sa Davao Penal Colony.  




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento