NEWS UPDATES

Empleyado ng MKWD arestado dahil sa kasong sexual harassment

(Kidapawan City/April 9, 2012) ---Arestado ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ni Sr. Insp. Sunny Leoncitio, hepe ng anti-vice and intelligence division, ang isang Rodrigo Gastan, empleyado ng Metro Kidapawan Water District (MKWD), matapos maaktuhan na mino-molestiya nito ang kanyang katulong sa isang videoke bar sa lungsod, kamakalawa ng hapon.
     
Ayon sa report, dinala ng suspect ang biktima sa Don-Don Resto Bar sa may KCCC kung saan doon ginawan ng kahalayan.
     
Naaktuhan siya ng mga operatiba ng PNP at hinuli noon din.

     
Nabatid na matagal nang mino-molestiya ng suspect ang biktima na nagtrabaho bilang katulong ng pamilya Gasatan ng Poblacion, Makilala.    

Pero dahil sa takot na baka ‘di makapag-aral ay di na lamang ito umimik o umangal.

Sa ngayon ay kalaboso na sa Kidapawan City PNP lock-up cell ang suspetsado.
     
Bukas ay isasampa na sa piskalya ang kasong acts of Lasciviousness kontra sa suspek na si Gasatan.

Habang ang kasong rape naman ay idadaan sa regular filing. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento