NEWS UPDATES

Ordinansa na mangangasiwa sa operasyon ng Kabacan Terminal Complex, Aprubado na


(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Inaprubahan na sa ika-70 regular session ng Sanggunian Panlalawagin ang Ordinance No. 2011-014 o ang ordinansang magtatatag ng guidelines, rules at regulation sa pamamahala at operasyon ng Kabacan Terminal Complex (KTC).

Nakapaloob sa nabanggit na ordinansa, ang pagtatakda ng kaukulang bayad at renta sa mga stall owners at pagpataw ng penalidad sa sinumang lalabag sa mga patakaran ng KTC.

Si Board Member Shirlyn Macasarte ang nagrebyu sa nasabing ordinansa. Sa rebyu ni Macasarte, walang mali dito, kaya’t agad naman itong inaprubahan ng Sanggunian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento