NEWS UPDATES

Marijuana plantation sa Sultan Kudarat, natunton

(Columbio, Sultan Kudarat/April 20, 2012) ---Natunton ng mga kasapi ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang plantasyon ng marijuana sa Sitio Libon, Brgy. Maacas, Columbio, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Colonel Alexis Noel Bravo, commanding officer ng 27th IB Phil. Army natuton ang nasabing pantasyon habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga ito laban sa kasapi ng New Peoples Army (NPA) na nagtatago sa nasabing lugar.

Mahigit sa 30 mga puno ng marijuana ang nakatanim sa nasabing mabundok na lugar na pinag-mamay-arian ng isang mag-amang Gipay at Primi Dalumatan.

Agad namang ipinabatid ng militar sa pulisya at mga miembro ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang may kaugnayan sa mga marijuana na agad namang binunot ng mga ito.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insedenta habang pinaghahanap na sa batas ang mga may ari ng nasabing mga puno ng marijuana.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento