NEWS UPDATES

Mahigit 6 na oras na power interruption, magsisimula ngayong araw sa mga service erya ng cotelco


(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Abot sa 15megawatts na lamang umano ang supply ng kuryente na ibinigay sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa cotelco dahilan kung bakit aabot sa anim na oras ang rotational brown-out sa mga service are ng cotelco simula ngayong araw.                                                                                               
Ito ayon kay Cotabato Electric Cooperative Spokesperson Vincent Lore Baguio mula sa dating 35 ay ibinaba na sa 15 megawatts ang supply ng kuryente, ito dahil sa ipinatupad na simula kahapon ang preventive maintenance ng Pulangi Hydro Power Plant-4.      
                                                                                                                   
Kaugnay nito, dismayado ngayon ang ilang mga negosyante partikular na ang nangangailangan ng kuryente para sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo hindi lamang dito sa Kabacan kundi maging sa buong probinsiya ng North Cotabato.

Ilan sa mga ito ay gumagamit na ngayon ng generator maging ang ilang mga radio sations sa North cotabato para magpapatuloy ang serbisyo sa publiko.                                                                                                                         
Dahil dito, walang umanong konkreto at malinaw na sagot ang Pangulong Aquino sa mga tanong ng mga Mindanao legislators at LGU officials kung bakit tumitindi ang krisis sa kuryente sa rehiyon. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento