NEWS UPDATES

Kuya pinatay ng kapatid dahil sa awayan sa lupa sa Santa Maria, Davao del Sur

(SANTA MARIA, Davao del Sur/April 14, 201) ---Nagmistulang kwento ng magkapatid na Cain at Abel sa Lumang Tipan ng Bibliya ang nangyari sa magkapatid na Julian at Elias Bayot sa bayan ng Santa Maria, Davao del Sur.
      
Tinaga hanggang sa mapatay ng nakababatang si Julian ang kuya niya’ng si Elias, 34, nang magtalo sila tungkol sa iniwang lupa ng kanilang namayapang mga magulang.

Naganap ang krimen sa mismong bahay ng magkapatid sa Barangay Basiawan, kamakalawa.


Ayon sa report, kinumpronta ng suspect ang kuya patungkol sa hatian ng lupa.

Agrabyado raw kasi ito sa sistema ng hatian.

Dahil sa matinding sama ng loob, kinuha nito ang itak sa kusina at tinaga ang kuya.

Nagtangkang manlaban ang biktima pero napuruhan pa rin ito.

Mahigit sampung sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Nakahanda raw si Julian pagbayaran ang krimeng ginawa.

Kahapon, kinasuhan na ito ng parricide ng Santa Maria PNP. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento