NEWS UPDATES

3 sugatan sa isang vehicular accident na naganap sa Kidapawan City

(Kidapawan City/April 14, 2012) ---Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang driver ng tricycle at dalawang sakay na pasahero nang sumalpok ang sasakyan nila sa kasalubong na 10-wheeler truck sa Barangay Paco, Kidapawan City, alas-845 kagabi.

Kinilala ang mga sugatan na sina Henry Modrial Ferolin, 42, driver ng tricycle; at mga pasahero na sina Nilo del Rosario, 42, at Edwin Dulay, 29, pawang taga-Barangay Paco.

Ayon kay Police Officer 1 Ian Dave Almendral, umiwas ang tricycle sa sinusundang motorsiklo pero ‘di nito namalayan ang pagdating ng truck kaya ito sumalpok doon.


Ang truck ay biyaheng Davao City habang pauwi ng Barangay Paco sa Kidapawan City nang maganap ang aksidente.  

Isinugod sa Madonna General Hospital ang mga sugatan para lapatan ng lunas. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento