Sa
panayam ng DXVL – News kay Lawrence Dollente, faculty ng College of Arts and
Sciences ng USM at isa sa mga residente na nakasaksi ng pag-ulan ng yelo ay
tila mga maliliit umano na mga bato ang tumama sa kanilang atip.
Noong
una nagtaka sila kung bakit ang iingay ng bubong na animoy binabato ang
kanilang bahay.
Nang
tiningnan nito ang kanilang bakuran, doon na at nakita nitong naglalaro ang
kanyang pamangkin na naliligo sa ulan ng mga bumabagsak na yelo kasabay din ng
pagbagsak ng ulan.
Sinabi
pa ni sir Dollente na ito na ikalawang beses niya na itong nasaksihan, ang una
ay noong maliit pa siya. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento